Featured Post

Pekeng Kaibigan

Pekeng Kaibigan May isang kaibigan, Akala mo'y totoo, Nagpapanggap lang, At ika'y kinakatalo. Ng aking malaman, Labis akong ...

Friday, January 15, 2016

Mundong Madilim

Mundong Madilim

Sa pag-ikot ng mundo,
Ang isip ay nalilito,
Sa gabing di makatulog,
Ang mata ay namumugto.

Dalangin sa maykapal,
Ang bibig ay nauutal,
Sa kanyang bagong asal,
Akala mo'y parang banal.

Dahon ay lumalagas,
Ang bunga'y inaagnas,
Gubat na mapangahas,
Pinipilit na tumakas.

Itim na kapaligiran,
Puno ng kalungkutan,
Damdaming pinaglaban,
 Nawala sa kadiliman.
Copyright © 2016 by S.A.P.

No comments:

Post a Comment