Featured Post

Pekeng Kaibigan

Pekeng Kaibigan May isang kaibigan, Akala mo'y totoo, Nagpapanggap lang, At ika'y kinakatalo. Ng aking malaman, Labis akong ...

Saturday, February 6, 2016

Muli

Muli

Lumipas man
Ang nakaraan
Ikaw ang laman
Ng aking isipan

Bawat sandali
Hindi mapakali
Ako'y sumisilip
Sa iyong mga ngiti

Chorus:
Sana naman
Ako ay pagbigyan
Mayakap ka at ika'y
Mahagkang muli.

Pinipilit man
Na limutin ka
Di ko magawa
O aking mahal

Copyright © 2016 by S.A.P.

Saturday, January 23, 2016

Jim Rohn Quote

Successful people do what unsuccessful people are not willing to do. Don't wish it were easier; wish you were better." - Jim Rohn

Saturday, January 16, 2016

My Quote

"Ang tiwala'y huwag ibigay
Sa mga taong walang saysay
Sapagkat habambuhay
Sila'y maituturing na kaaway"
Copyright © 2016 by S.A.P.

Friday, January 15, 2016

Pangarap

Pangarap

Nakita mo ba,
Sa aking mga mata.
Ang lungkot,
Sa tuwing kasama mo siya.

O kaybigat,
Ng aking nadarama.
Ayos lang,
Basta't ikaw ay masaya.

Refrain:
Pinipilit mang limutin.
Talagang kay hirap gawin.
Ang mga panahong lumipas.
Sadyang kay hirap umiwas.

Chorus:
Araw gabi, ikaw lagi,
Ang aking pinapangarap.
Kailanman, nasaan man,
Ikaw lamang ang hinahanap.
Copyright © 2016 by S.A.P.



Mundong Madilim

Mundong Madilim

Sa pag-ikot ng mundo,
Ang isip ay nalilito,
Sa gabing di makatulog,
Ang mata ay namumugto.

Dalangin sa maykapal,
Ang bibig ay nauutal,
Sa kanyang bagong asal,
Akala mo'y parang banal.

Dahon ay lumalagas,
Ang bunga'y inaagnas,
Gubat na mapangahas,
Pinipilit na tumakas.

Itim na kapaligiran,
Puno ng kalungkutan,
Damdaming pinaglaban,
 Nawala sa kadiliman.
Copyright © 2016 by S.A.P.

Saturday, January 9, 2016

Robert Kiyosaki Quote

The size of your success is measured by the strength of your desire; the size of your dream; and how you handle disappointment along the way.   - Robert Kiyosaki, author of Rich Dad, Poor Dad

David Ramsey Quote

“We buy things we don't need with money we don't have to impress people we don't like.”  ― Dave Ramsey, The Total Money Makeover: A Proven Plan for Financial Fitness.

Sunday, January 3, 2016

Iyak Ng Sundalo

Iyak Ng Sundalo

sa mundong makulay
kay sarap mabuhay
lalo't kaagapay
ang mahal sa buhay

ako ay lumayo
dumaan ang panahon
tungkulin sa mga tao
sa akin ay nakabaon

sa gitna ng digmaan
kayraming kalaban
sa bawat putukan
lagi kang nasa isipan

ako ay nagbalik
kasamang may ngiti
sa iyong yakap at halik
puso ay nasasabik

ngunit ako ay nagulat
sa aking nakita
o mahal kong sinta
may iba ng kasama

Copyright © 2016 by S.A.P.

Kaibigan

Kaibigan

naglalakbay ang isipan
sa bawat sandaling ikaw ay nariyan
ang mundo ay gumagaan
kapag nakita ang liwanag sa daan.

naglalaro ang isipan
sa bawat oras na ikaw ay nariyan
ang puso ay nahihirapan
kapag ikaw ay may pinagdadaanan

Chorus:
narito ang aking buhay
sa iyo iaalay
narito ang aking buhay
sa iyo ibibigay

nagtatanong ang isipan
sa bawat araw na ikaw ay nariyan
damdamin ay nasusugatan
kapag ikaw ay lagi nilang sinasaktan

Copyright © 2016 by S.A.P.

Hinagpis

Hinagpis

Pilit ko mang iniintindi
Ang iyong mga pagkakamali
Hindi nga ba't mas maigi
Kung ika'y di magkukunwari

Ano pa bang dapat kong gawin
Sa mga taong gusto akong lokohin?
Ang galit ba'y dapat kong tanggalin
At tuluyang huwag silang sisihin?

Bulag man sa katotohanan
Balang araw ay matutuklasan
Ang iyong mga kasinungalingan
Ito'y iyong pagbabayaran.

Hapding iyong ipinadama
Kailanman ay di mabubura
Magingat ka lang lagi sana
Dahil walang pinipili ang KARMA..

Copyright © 2016 by S.A.P.

Pag-ibig

Pag-ibig

Nakatulala sa isang tabi,
Minamasdan ang iyong mga ngiti,
Malalim na pala itong gabi,
Ngunit hindi pa rin mapakali.

Refrain:
Lagi kang nasa isip,
Maging sa aking panaginip,
Ikaw ang aking nakikita,
O aking mahal.

Chorus:
Sana naman ay bigyang pansin,
Ang nadarama para sayo,
Hindi na alam kung anong dapat gawin,
Upang maibalik ang dating pag-ibig.

Naaalala ang bawat saya,
Sa tuwing ika'y aking kasama,
Ngunit bigla na lang nawala,
Ang tamis ng iyong pagmamahal.

Copyright © 2016 by S.A.P.

Kulay

Kulay

Akala ko ba kaibigan kita?
Bakit ganito ang iyong ginawa.
Ano nga ba ang kasalanan ko sayo
At ako ngayon ay iyong ginagago.

Pinagkatiwalaan pa naman kita
Kahit pa noong una kitang nakilala
Bakit hindi ko pa noon nakita
At ng hindi na sana nangyari pa.

Kaibigang maituturing na tunay
Mistulang nawala na ang kulay
Sanay magsilbi itong gabay
Sa mga taong inosente sa buhay.

Copyright © 2016 by S.A.P.

Pekeng Kaibigan

Pekeng Kaibigan

May isang kaibigan,
Akala mo'y totoo,
Nagpapanggap lang,
At ika'y kinakatalo.

Ng aking malaman,
Labis akong nasaktan
Galit at kalungkutan
Aking naramdaman.

Masayang alaala
Naglahong bula
Tamis ng kahapon
Ngayoy pait ang napala.

Ang tangi kong dalangin
Sa taksil kong kaibigan
Sakit at pagdurusa.
Sanay iyong matikman.

Copyright © 2016 by S.A.P.